mga nagkakalat na talulot ng aking rosas
mula sa mga katagang nagsimulang magbigay ng inspirasyon sa akin... para ring rosas na alay ay kagandahan... na kahit nag-iisa.. may maraming talulot.. ganun si Georgina.. mga ideyang kahit 'di masang-ayunan ng karamihan.. may puso at base sa reyalidad ng buhay.
Monday, May 16, 2011
The World Ends on...
they say that the world ends on blah blah blah... di pa ba tayo sanay sa ilang beses na pagkagunaw ng ating mga sariling mundo? since childhood, our little world has been ending, nung umiyak tayo dahil nabitawan natin ang lobo sa'ting kamay, niloloko tayo na iihi lang mama natin pero may lakad pala sila ni papa..as we grow older.. we become Emilia who is a big big girl in a big big world... it's up to us kung mananatili tayong maliit sa malaking mundo o magiging malaki sa maliit pa ring mundo..
ruins
ruins ruins ruins...bubuuin mo ba sila o hayaang ikalat ng kalikasan upang ang kanyang pagkabasag ay mabaon ng limot at pagkaginto ng panahon? ako.. i'd better let nature own it... for i know siya pa rin ang magbabalik nito sa akin... (bliss in ruins or shall i also say ruins in bliss)
Saturday, April 23, 2011
Oras
ang oras daw ay ginto, kinakalawang lang 'pag ginamit mo...
Ito ay linya mula sa kantang Gising Kaibigan ng bandang Asin. Mula noong narinig ko ang linyang ito, lalo akong nakonsensya, bilang isang taong kadalasan iniisip ko ang kahalagahan ng oras..ngunit naaaksaya pa rin..
Ginto naman kasi ang oras.. kapag ito'y nagamit na 'di na maibabalik.. ngunit gaya ng ginto na maari pang matunaw o gawin pang ibang anyo, ihalo sa ibang metal.. ang panahon 'pag magamit na magiging isa itong nakaraan.. na binabalik-balikan pa natin.. nagiging mahalagang kasaysayan man ito o masakit na nakaraan.. hindi ito madaling mabura sa ating puso at isipan..
Dahil sa ating paggamit kaya nakakalawang ang oras.. o ang panahon.. tayo ang masisisi kung ito ay nasayang..nasa atin na ang desisyon kung pakikintabin pa ba natin o hayaan na lamang na kalawangin at hayaang agawin ng kalikasan ang kanyang sariling likha...

Plane Ticket, MMK episode
may mga sugat sa puso na kayang hilumin ng panahon, lalo pa't ang pinakamabisang gamot dito ay wagas na pag-ibig, pag-ibig na minsa'y naikukubli, minsa'y naipagwawalang bahala, at minsan pa'y natatabunan ng isa pang pag-ibig, pero darating ang pagkakataong ito'y muling uusbong at hindi na mawawala sa habang panahon --Charo Santos, after the Plane Ticket episode
isa sa mga MMK episodes na talagang nakakantig para sa akin.. simula pa lang ng kuwento naiiyak na ako..
ang hirap namang may bagong kang minamahal pero kalahati ng kaluluwa mo ay namumuhay pa sa iyong nakaraan..
ang ganda ng kuwento.. mas pinili pa rin ng bidang babae (France) ang hindi lang tama kundi mabuti ding desisyon.. ang pagpili sa kanyang asawa..kahit ito'y may napakalaking kasalanan sa kanya..at kahit tatalikuran pa niya ang nasimulang magandang buhay nila ni Lando (ang pangalawang lalaki sa buhay ni France)..
ang tunay na pag-ibig ay nagpapatawad, nagbibigay ng pangalawang pagkakataon..lalo na't karapat-dapat naman..
such a tear jerker episode for my Holy Week!

Babe I Love You
don't hate yourself for anything i've lost because i've loved you, kasi ako i can never hate the woman that made me smile again --Sam kay Ann, Babe I love you :)
sa binitawang linyang yan..naisip kong.. kadalasan sa mga nagmamahal at nagkaroon ng konting pagkabigo..naroon ang pagsisisi..ang pananais na makalimot..ang galit sa sarili at sa taong dahilan ng pagkabigo...
ngunit naisip ko ring.. 'di ba dahil sa tao at pagkakataong iyon, namulat tayo, nakita natin ang noo'y 'di natin nakikita, naramdaman natin na tunay ngang ang pag-ibig ay nakakasakit din..
kailangan nating pasalamatan ang mga pagkakataong nasasaktan tayo..dahil hindi lahat nabigyan ng chance na maramdaman ito..
sabi nga sa isang English book na nabasa ko, (na hindi ko na matandaan ang exact title at ang nagsabi) hindi daw natin mararamdaman ang wagas na tagumpay kung ni minsan ay hindi natin nasubukang mabigo..
hindi naman sinasabing kailangan muna natin mabigo bago maging matagumpay..
mas makikita lang natin ang presensiya ng isang bagay kung naiisip natin at nararamdaman natin ang kawalan nito..

My Amnesia Girl
meron talagang sugat sa puso na nabubura pa rin ng pangalawang pagkakataon 'pag mas umiral ang tunay na pagmamahal :)
ito ang natutunan ko sa pelikulang My Amnesia Girl
sabi nga ng isang kanta, time heals a broken heart..para sa akin.. maari nga itong makapawi.. ngunit gaya ng pinakita sa pelikula, kailangan din ng matindi at pursigidong effort ni Apollo (John Lloyd)..at pusong tunay na nagmamahal para matanggal ang galit na masyadong mabigat..kaya nabaon sa puso ni Irene (Toni Gonzaga)..
ang tunay na pagmamahal kasi..'di basta-bastang nadidiktahan ng matalinong puso at matapang na personalidad.. singtingkad ng pulang dugong dumadalaoy sa puso natin ang pag-ibig na tunay.. kasi kapag tunay..gaya ng ginto 'di basta-bastang nababago ang anyo nito..
maliban na lamang kung may bagong magpapatibok nito..

Wednesday, April 20, 2011
pakikipagrelasyon
ang pakikipagrelasyon parang ding pag-aaplay ng trabaho.. maganda ngang maging sigurista kang may mapapasukan agad bago magresayn sa kasalukuyang trabaho.. pero karapat-dapat lang maging cleared ka muna sa iiwanan mong kumpanya bago sumabak sa bago... alalahanin mo ang iyong pansarili at societal values :)
Subscribe to:
Posts (Atom)