don't hate yourself for anything i've lost because i've loved you, kasi ako i can never hate the woman that made me smile again --Sam kay Ann, Babe I love you :)
sa binitawang linyang yan..naisip kong.. kadalasan sa mga nagmamahal at nagkaroon ng konting pagkabigo..naroon ang pagsisisi..ang pananais na makalimot..ang galit sa sarili at sa taong dahilan ng pagkabigo...
ngunit naisip ko ring.. 'di ba dahil sa tao at pagkakataong iyon, namulat tayo, nakita natin ang noo'y 'di natin nakikita, naramdaman natin na tunay ngang ang pag-ibig ay nakakasakit din..
kailangan nating pasalamatan ang mga pagkakataong nasasaktan tayo..dahil hindi lahat nabigyan ng chance na maramdaman ito..
sabi nga sa isang English book na nabasa ko, (na hindi ko na matandaan ang exact title at ang nagsabi) hindi daw natin mararamdaman ang wagas na tagumpay kung ni minsan ay hindi natin nasubukang mabigo..
hindi naman sinasabing kailangan muna natin mabigo bago maging matagumpay..
mas makikita lang natin ang presensiya ng isang bagay kung naiisip natin at nararamdaman natin ang kawalan nito..

No comments:
Post a Comment