Monday, May 16, 2011

The World Ends on...

they say that the world ends on blah blah blah... di pa ba tayo sanay sa ilang beses na pagkagunaw ng ating mga sariling mundo? since childhood, our little world has been ending, nung umiyak tayo dahil nabitawan natin ang lobo sa'ting kamay, niloloko tayo na iihi lang mama natin pero may lakad pala sila ni papa..as we grow older.. we become Emilia who is a big big girl in a big big world... it's up to us kung mananatili tayong maliit sa malaking mundo o magiging malaki sa maliit pa ring mundo..

ruins

ruins ruins ruins...bubuuin mo ba sila o hayaang ikalat ng kalikasan upang ang kanyang pagkabasag ay mabaon ng limot at pagkaginto ng panahon? ako.. i'd better let nature own it... for i know siya pa rin ang magbabalik nito sa akin... (bliss in ruins or shall i also say ruins in bliss)

Saturday, April 23, 2011

Oras

ang oras daw ay ginto, kinakalawang lang 'pag ginamit mo...

Ito ay linya mula sa kantang Gising Kaibigan ng bandang Asin. Mula noong narinig ko ang linyang ito, lalo akong nakonsensya, bilang isang taong kadalasan iniisip ko ang kahalagahan ng oras..ngunit naaaksaya pa rin..
Ginto naman kasi ang oras.. kapag ito'y nagamit na 'di na maibabalik.. ngunit gaya ng ginto na maari pang matunaw o gawin pang ibang anyo, ihalo sa ibang metal.. ang panahon 'pag magamit na magiging isa itong nakaraan.. na binabalik-balikan pa natin.. nagiging mahalagang kasaysayan man ito o masakit na nakaraan.. hindi ito madaling mabura sa ating puso at isipan..
Dahil sa ating paggamit kaya nakakalawang ang oras.. o ang panahon.. tayo ang masisisi kung ito ay nasayang..nasa atin na ang desisyon kung pakikintabin pa ba natin o hayaan na lamang na kalawangin at hayaang agawin ng kalikasan ang kanyang sariling likha...

Plane Ticket, MMK episode

may mga sugat sa puso na kayang hilumin ng panahon, lalo pa't ang pinakamabisang gamot dito ay wagas na pag-ibig, pag-ibig na minsa'y naikukubli, minsa'y naipagwawalang bahala, at minsan pa'y natatabunan ng isa pang pag-ibig, pero darating ang pagkakataong ito'y muling uusbong at hindi na mawawala sa habang panahon --Charo Santos, after the Plane Ticket episode

isa sa mga MMK episodes na talagang nakakantig para sa akin.. simula pa lang ng kuwento naiiyak na ako..
ang hirap namang may bagong kang minamahal pero kalahati ng kaluluwa mo ay namumuhay pa sa iyong nakaraan..

ang ganda ng kuwento.. mas pinili pa rin ng bidang babae (France) ang hindi lang tama kundi mabuti ding desisyon.. ang pagpili sa kanyang asawa..kahit ito'y may napakalaking kasalanan sa kanya..at kahit tatalikuran pa niya ang nasimulang magandang buhay nila ni Lando (ang pangalawang lalaki sa buhay ni France)..
ang tunay na pag-ibig ay nagpapatawad, nagbibigay ng pangalawang pagkakataon..lalo na't karapat-dapat naman..
such a tear jerker episode for my Holy Week!

Babe I Love You

don't hate yourself for anything i've lost because i've loved you, kasi ako i can never hate the woman that made me smile again --Sam kay Ann, Babe I love you :)

sa binitawang linyang yan..naisip kong.. kadalasan sa mga nagmamahal at nagkaroon ng konting pagkabigo..naroon ang pagsisisi..ang pananais na makalimot..ang galit sa sarili at sa taong dahilan ng pagkabigo...

ngunit naisip ko ring.. 'di ba dahil sa tao at pagkakataong iyon, namulat tayo, nakita natin ang noo'y 'di natin nakikita, naramdaman natin na tunay ngang ang pag-ibig ay nakakasakit din..
kailangan nating pasalamatan ang mga pagkakataong nasasaktan tayo..dahil hindi lahat nabigyan ng chance na maramdaman ito..
sabi nga sa isang English book na nabasa ko, (na hindi ko na matandaan ang exact title at ang nagsabi) hindi daw natin mararamdaman ang wagas na tagumpay kung ni minsan ay hindi natin nasubukang mabigo..
hindi naman sinasabing kailangan muna natin mabigo bago maging matagumpay..
mas makikita lang natin ang presensiya ng isang bagay kung naiisip natin at nararamdaman natin ang kawalan nito..

My Amnesia Girl

 meron talagang sugat sa puso na nabubura pa rin ng pangalawang pagkakataon 'pag mas umiral ang tunay na pagmamahal :)

ito ang natutunan ko sa pelikulang My Amnesia Girl

sabi nga ng isang kanta, time heals a broken heart..para sa akin.. maari nga itong makapawi.. ngunit gaya ng pinakita sa pelikula, kailangan din ng matindi at pursigidong effort ni Apollo (John Lloyd)..at pusong tunay na nagmamahal para matanggal ang galit na masyadong mabigat..kaya nabaon sa puso ni Irene (Toni Gonzaga)..

ang tunay na pagmamahal kasi..'di basta-bastang nadidiktahan ng matalinong puso at matapang na personalidad.. singtingkad ng pulang dugong dumadalaoy sa puso natin ang pag-ibig na tunay.. kasi kapag tunay..gaya ng ginto 'di basta-bastang nababago ang anyo nito..
maliban na lamang kung may bagong magpapatibok nito..

Wednesday, April 20, 2011

pakikipagrelasyon

ang pakikipagrelasyon parang ding pag-aaplay ng trabaho.. maganda ngang maging sigurista kang may mapapasukan agad bago magresayn sa kasalukuyang trabaho.. pero karapat-dapat lang maging cleared ka muna sa iiwanan mong kumpanya bago sumabak sa bago... alalahanin mo ang iyong pansarili at societal values :)

Monday, April 18, 2011

buhay

ang buhay parang sayaw lang.. minsan di kailangan ng partner para mabgyan hustisya ang tugtog.. pero minsan may mga steps talaga na dapat may kahawak ka ng kamay, may mgpapaikot sayo.. may magbubuhat sayo.. at sasabayan ka sa pgharap sa madla para magbow...

Tuesday, April 12, 2011

letting go

para din lang lobong binitawan ng kamay..paliit nang paliit habang palayu nang palayo..ganun din ang nararamdamang sakit..paunti-unting mawawala.. ngunit ang puso ay nasa katawang tao..taong nakaapak sa lupa.. di lahat ng bagay katulad ng mga bagay na madaling matanggal sa diwa at pakiramdam...

Sunday, April 10, 2011

bak to ti


base sa pamagat, malalaman ng nakakakilala sa amin nung kolehiyo kung ano ito..pero para sa iba.. basahin na lang..

sa orihinal na bersyon, ito ay sulat nina waya waya at kumakengka.. sapgkat nauuso nuon ang pggamit ng "pen name" para sa ilang kadahilanan..mula sa blog ng isang matalik na kaibigan--mari.. ito ang hinaing ng dlwa sa mga palabang mgaaral ng UP Tac.

Thursday, April 26, 2007


on the elections

Trapo sa eleksyon
ni jan & george


Marumi. Nakakadiri. Wala nang maniniwala ngayon na malinis ang pulitika. Ang eleksyon kasi sa panahong ito ay labanan sa pagitan ng prinsipyo at pera. At kapag magsalita na ang pera, tumatahimik ang prinsipyo. Anupa't babaha na naman ng salapi. Kwartang ninakaw ng mga politiko sa kaban ng bayan kaya ang mga mamamayan ay tumatanggap ng pera kasi ito naman ay galing sa kanila.
Dati pa, tahimik na akong nagngingitngit sa mga politiko ng ating bansa o kaya sa mga taong bumuboto sa kanila. Lahat na lang na maisip kong posibleng masisisi sa papalalang sitwasyon ng ating bansa isinisisi ko. Sa tuwing papalapit ang eleksiyon, nahahati sa dalawa ang pananaw ng mga tao. May mga naniniwala pa rin sa mga pangako ng mga politiko dahil sa matatamis nilang mga dila. Itinuturing silang pag-asa, na mag-aahon sa kanila mula sa abang kalagayan. Sa kabilang dako, may mga mulat na sawang-sawa sa mga litanya ng mga politiko sa tuwing nagtatalumpati sa entablado. Tiyak ko ring pinanabikan ng mga trapo ang panahong ito.
Kagaya ng ibang trabaho, may katangiang kailangan para makasabak sa mundo ng pulitika – ang apat na "k" ng mga trapo: Kwarta, Koneksyon, Kasinungalingan at Kapal ng mukha. Kailangan nilang paghandaan ang mga bagay na magiging basehan ng pagkapanalo nila. Hindi na bago sa mga trapo ang pagbibigay ng pera sa mga botante. Sa pamamagitan ng kanilang koneksyon, mapapadali ang pagkumbinse sa mga botante. Sa pagdating ng miting de avance dapat din niyang ihanda ang litanyang sasambitin para makumbinse ang mamamayan na siya ang nararapat piliin sa mga kandidato. At sa bandang huli, dapat makapal ang kanyang mukha upang harapin ang mga naniwala sa kanyang sinseridad ngunit kanya lamang binigo.
Isa lang ang sigurado ngayong palapit na ang botohan, lahat ay gagawin ng mga kandidato. Ilang buwan pa lamang, napapanood natin sa telebisyon ang balita tungkol sa mga pinaslang na mga politiko. Ang hidwaang ito ay hindi lang sa pagitan ng mga politiko at kalaban niyang mga politiko rin. Ang mga mamamayan ay nanganganib ang buhay dahil pinapaslang lamang ang mga kritiko ng mga pulitiko.
At ngayon, isa na ako sa mahalagang pwersa na magdedesisyon sa kapakanan ng Pilipinas sa Mayo. Hindi na bilang tagapagmasid lamang. Tagapagmasid sa kinahihinatnan ng ating bayan. Nakaatang sa ating mga balikat ang malaking responsibilidad bilang mamamayang Pilipino. Kasali na tayo sa magluluklok sa mga uupo sa poder ng gobyerno. Sana hindi masayang ang ating mga boto.
Hindi ko pa naman binibigyang-wakas ang aking paniniwala na balang araw pagbabago ay makakamtan din. Umaasa pa rin akong mababaliktad pa ang tatsulok. Sana maging kritikal sa pagpili ang mga botante at hindi nila ibase sa kakarampot na pera na ibibigay ng mga kandidato na nagsisilbing piring at busal sa mga nakakatanggap.


###

Saturday, April 9, 2011

crush

ang crush parang business may attainable, sustainable, negotiable...meron ding lugi ka pero mas mganda kung profitable.. may seasonal (yung tipong minsan crush mo minsan hndi)..meron ding stable at pangmatagalan

kubing

kung ako'y magiging isang ethno-tribal instrument mo, nanaisin kong maging kubing.. 'pagkat sa bawat hangin mong dadaan sa'kin, ito'y magiging magandang musika sa pandinig

pagmamahal

ang tunay na pagmamahal ay walang sinusukat na pagkakapantay-pantay.. wala itong pakialam matumbasan man o 'di mapantayan.. 'pagkat ang puso ng tunay na nagmamahal ay masayang napapantayan ng mga taong tunay ding nagmamahal sa kanya

KAPE

siyang naalala ko 'pag ako'y pagod..nalulumbay..marami mang gngwa o walang maisip..siyang binubuhay ang bawat selula at dugong dumadaloy sa aking mga ugat..siyang 'di ako iniiwan at madaling hanapin... (pagbibigay pugay sa KAPE)